TIGblogs TIG | TIGblogs GROUP TIGBLOGS LOGIN SIGNUP
Rowjielogy
Rowjielogy
Leonora


Miyerkules ng umaga…

Parang normal lang ang lahat. Ako ay naghanda para sa pagpasok sa opisina. Inihanda ko na ang aking Ipod na aking palaging ginagamit kapag ako ay nasa byahe para hindi ako mabore. Pagbaba ko ng kwarto ay sinabi ng mommy ko sa akin… “Wala na ang inang…”

“Inang” ang tawag namin sa lola namin sa father’s side. Matagal akong natahimik. Tila hindi ko pa pinaniniwalaan ang balita. Nagdesisyon ako na pumunta sa burol kinagabihan. Salamat sa kaibigan kong sumama sa akin. Mabigat sa loob habang kami ay papalapit sa burol. Pagdating ko doon ay hindi ko muna tinignan ang lola kong nakahimlay sa kabaong.

Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko ng mga oras na yun. Malungkot talaga ako pero di ko alam kung paano irerelease.

Hindi kami palaging nagkikita ng inang ko dahil magkalayo kami ng bahay. Nagkikita lang kami madalas kapag may okasyon. Huli ko siyang nakausap at nahagkan noong nakaraang pasko. Hindi ko malilimutan nung paalis na kami. Hinawakan niya ako ng mahigpit na tila bang ayaw niya akong pakawalan. Nakita ko rin ang mga luha na tumulo sa kanyang mga mata. Yun na pala ang huling pagkakataon… Sana nilubos ko na…

Tuwing dumarating kami sa bahay nila ay makikita ko ang saya sa kanyang mga mata… Sino na ang magwewelcome sa amin ng katulad ng ginagawa niya?

90 years old na ang inang ko. Naniniwala akong malakas talaga siya. Kahit papaano ay iniisip ko na lang na panahon na rin siguro upang makapag-pahinga siya. Pero alam kong sa likod ng isipan ko ay hinihiling ko pa rin na sana ay magkasama pa rin kami ng marami pang taon.

Inang, maraming salamat sa lahat. Mahal na mahal po namin kayo…

Leonora R. Cruz
1917 - 2008

Posted in Personal      

October 11, 2008 | 10:10 AM Comments  0 comments

Tags:
You must be logged in to add tags.


Rowjie's Profile


Latest Posts
Season Starter
400th Entry: The Best...
Keep On Moving
Birthdate Tells It So
Mobile Thoughts #1

Monthly Archive
January 2008
February 2008
March 2008
April 2008
May 2008
June 2008
July 2008
August 2008
September 2008
October 2008
November 2008
December 2008
January 2009
February 2009
March 2009
April 2009
May 2009
June 2009
July 2009

Change Language


Tags Archive
americanidol anthology brookewhite carlysmithson chikezieeze dannynoriega davidarchuleta davidcook icebreaker idol jasoncastro jasonmraz kokology kristyleecook michaeljohns personal plugs pointsofview ramielemalubay rowjiefullyyours rowjielogy rowjielogypresents soundtrip specialposts syeshamercado tagalogposts television topak videos weekinreview


22110 views
Important Disclaimer