Kakaiba ang pakiramdam ko ngayong araw na ito sa opisina. Bukod sa absent ako kahapon, ay medyo hindi pa rin maganda ang pakiramdam ko dahil sa… (mahabang kwento).
Ang isang department dito sa opisina namin ay lilipat na sa main office namin. Kaya ibig sabihin, last day na nila dito ngayon. Iba na ang uupo sa pwesto nila sa mga susunod na araw. Patapos na rin ang kontrata ng kumpanyang ito sa system na ginagamit namin ngayon dito. Pagpatak ng Oktubre, ay bago na ang gagamitin namin. Ibig sabihin rin nun ay magiging sobrang busy ako sa mga susunod na araw. Pero sana hindi masyado.
Kaya feeling ko ngayon ay magsisimula ng isang bagong kabanata ang opisinang ito sa susunod na linggo.
Wala pa naman akong planong mangibang bakod pero aaminin ko na palagi siyang dumadapo sa aking isipan. Umigiting ang ideyang yon kanina ng ako ay maluha sa inis sa isa sa mga tao dito sa opisina.
Ganito ang kwento nun. Nasira ang printer nila sa department last week. Sumaklolo ako (sa kabila ng gabundok kong trabaho). Kailangang palitan ng “print head” ang printer nila. Irineport ko sa namamahala ng supplies. Siniguro ko naman na makakapagprint sila sa ibang printer.
Kanina, isang nakakainis na pangyayari ang naganap. At wala akong pakialam kung mababasa man niya ito. Tinanong niya ako kanina kung kamusta na ba raw yung printer nila. Sinabi ko (for the nth time) na hindi pa nabibili yung kailangang palitan dun sa printer.
Maya-maya ay narinig ko ang kanyang galit na boses… “Bakit pag ibang printer ang sira, sa amin niyo kinokonek? Pero pag sa amin, hindi niyo ginagawa? Did you get it? Ha? MIS?.” Hiyang hiya ako ng mga oras noon. Parang may luhang lalabas sa mata ko. Pinigilan lang ako ng kaibigan ko na magsalita. Pero muntik na talaga akong magsalita ng mga oras na yun.
Kilala mo ako. Tahimik lang ako, pero makikipag-away ako kahit sino ka pa.
Pero para ma-release ko ang gusto ko sanang sabihin, heto…
“Ma’am. For your information, I did everything I can for your printer. Ang problema kasi ay print head. Di ko na hawak yun. Kung piso lang sana yun, eh baka nagdonate na ako. Wag mo naman sabihin at ipagsigawan na wala kaming ginagawang aksyon. Halos araw-araw ako nandyan sa lugar niyo para masiguro lang na nakakapagprint lahat yang nasa department mo. Hindi lang ho yan ang ginagawa ko sa opisinang ito. Halos magkasakit na ako para lang makahabol sa deadline ko. Pero binibigyan ko pa rin kayo ng oras. Oo, alam ko kasama yan sa trabaho ko. Pero hindi naman yata tama na sabihin mo na wala kaming ginagawa. Sana mabasa mo itong balang araw.”
Maya-maya ay finollow up ko kung nakabili na ba ng printhead. Hindi raw inapprove dahil 5000+ pala yun. Masyado palang expensive. Pwede ng bumili ng bagong printer sa halagang iyon. Nakita ko yung babae na kausap yung responsible sa mga supplies namin. Ang bait niya. Pero kaninang umaga, parang ipinahiya niya ako sa harap ng maraming tao.
Tulad ng sabi ko sayo, kahit sino pa yan, kung alam kong may katwiran ako, eh lalaban ako. Wag na lang sana siya tumawag uli sa akin para humingi ng tulong. Okay na ako dun.
Posted in Personal, Tagalog Posts, Work Files
