
Mahaba-habang inuman yata ito!
Ilabas na ang mga beer at mahaba-habang kwentuhan ito! Haha. Dahil na rin sa matagal-tagal kong pagka-hiatus ay naipon na ang mga kwento ko.
Actually parang di ko na nga din ata maalala ang mga ikukwento ko. Anyway, sana maalala ko lahat.
Ayun, ang dahilan ng aking matagal na pagka-hiatus ay dahil aayusin ko sana ang blog ko pero super busy talaga ako kaya inabot na ako ng higit sa isang linggo.
Kamakailan ay nagkaroon kami ng “cocktail” sa opisina. Ang purpose talaga noon ay para siyang acquaintance party kasi ang dami ng new employees sa office. Wow, malapit-lapit na akong maikonsidera bilang isang “old employee”. Hehehe… At since medyo pormal-pormalan party siya, eh kami ay naatasang magbihis ng medyo kakaiba naman from the usual. Di ko naman masyadong kinarir actually. Hehe. At (sa kasamaang palad) ay ako ang itinanghal na “Male Star Of The Night”. Hehe. Nakakatuwa na medyo nakakhiya din.
May premyo kaming tig-500 pesos ni female star of the night, na hindi man lang umabot sa wallet ko dahil sa mga kantyaw ng aking mga office mates na magpakain. Pero okay lang yun. Enjoy naman.
May kakaunti akong mga larawan na naipost sa aking multiply account.
Hmmm… Ano pa ba ang kwento? Hay, kung kailan naman heto at nakaharap na ako sa computer eh tsaka ko naman nalimutan ang mga kwento ko. Hay. Anyway, nakakalungkot na balita ang lumabas nung isang araw tungkol kay master rapper, Francis M. Who would have thought na magkaka-leukemia siya. Pero siyempre, sana gumaling siya agad.
Sa trabaho naman ay medyo busy ako recently, at feeling ko super busy din sa mga susunod na araw. Huhu… Baka hindi muna ako masyadong makapag-gym kung ganun nga ang mangyayari.
Gosh! Ano ba ito! Nalimutan ko ang mga ikukwento ko!!! Haha. Anyway, gusto ko lang namang maka-catch up sa mga kwentong di ko naipost dito. Nawa’y maalala ko ang lahat sa mga susunod na araw.
O siya siya, maginuman na lang tayo!
