TIGblogs TIG | TIGblogs GROUP TIGBLOGS LOGIN SIGNUP
Rowjielogy
Rowjielogy
I Want To Be Complete


Hindi ito advertisement ng Centrum. Ngunit may koneksyon sa Centrum ang aking blog entry na ito.

Masyadong nagpapakabusy ang inyong lingkod noong mga nakaraang buwan. Bukod sa trabaho (na kumakain ng halos kalahati ng araw ko, kasama na ang biyahe), ay naengganyo pa akong mag-fatness first, na kumakain naman ng mga 1-2 oras ng araw ko. Hindi rin naman ko nakakauwi ng super aga kaya hindi din ako nakakatulog ng sapat. Wala akong panahon sa mga nais ko pang gawin dahil pag napahiga ako sa kama ay siguradong tulog agad ako. Paano na ang mga gusto ko pang gawin na hindi ko magawa-gawa?

Kaya naisipan kong subukan ang Centrum. (Hindi dahil naengganyo ako sa mga patalastas nina Piolo Pascual, Angel Locsin, at Heart Evangelista at lalo na sa kantang “I Want To Be Complete” ni Piolo na pinapatugtog sa radyo), kasi nga ang pinopromote nila sa kanilang mga patalastas ay kung marami kang gustong gawin, eh mag-Centrum ka para magkaroon ka ng sapat na energy. Para masabi ko ding “I Want To Be Complete!”

Teka, anu-ano nga ba ang gusto ko pang gawin?

1. Bumalik sa dating trabaho (Ibig kong sabihin ay bumalik sa dating kumpanyang aking pinagtatrabahuhan. Pero dapat munang bumalik yung kumpanya mismo. Hehe. Makakarating din tayo dyan!)
2. Bukod sa masakit sa katawan na pag-g-gym, ay nais kong ding sumayaw. Mabuti at may mga group exercises sa Fatness First na sayaw. Exciting. Naisip ko, sana dance lessons na lang mismo ang inenrollan ko. Haha.
3. Gusto kong matutong kumanta ng maganda. Frustrated singer kasi ako.
4. Gusto kong i-practice ang hilig ko sa graphics design, lalo na sa Typography.
5. Gusto kong basahin ng walang araw na nalalagpasan ang Our Daily Bread at Purpose Driven Life.
6. Gusto kong mabasa lahat ng libro at magazines na binili ko (na nakatago lang sa kwarto ko).
7. Gusto kong mag-aral ng marami pang bagay tungkol sa web at mobile.
8. Gusto kong makagawa ng isang matinding animation.
9. Gusto kong makagawa ng isang VLOG (Video Blog. Pero wala akong guts na humarap sa camera at magpakita sa maraming tao online)
10. Gusto kong manood ng movies or series.

Ayan, tama na siguro yang sampu. Ang dami noh? Haha. Kaya nga sabi ko, parangkulang ang 24 oras para sa akin sa isang araw, sa dami ng gusto kong gawin na hindi ko naman magawa-gawa. Hanggang plano lang palagi kumbaga.


July 21, 2008 | 3:07 AM Comments  0 comments

You must be logged in to add tags.


Rowjie's Profile


Latest Posts
Season Starter
400th Entry: The Best...
Keep On Moving
Birthdate Tells It So
Mobile Thoughts #1

Monthly Archive
January 2008
February 2008
March 2008
April 2008
May 2008
June 2008
July 2008
August 2008
September 2008
October 2008
November 2008
December 2008
January 2009
February 2009
March 2009
April 2009
May 2009
June 2009
July 2009

Change Language


Tags Archive
americanidol anthology brookewhite carlysmithson chikezieeze dannynoriega davidarchuleta davidcook icebreaker idol jasoncastro jasonmraz kokology kristyleecook michaeljohns personal plugs pointsofview ramielemalubay rowjiefullyyours rowjielogy rowjielogypresents soundtrip specialposts syeshamercado tagalogposts television topak videos weekinreview


22108 views
Important Disclaimer