6 na taon ng nakakaraan ng pumasok ako sa bagong yugto ng aking buhay (ang lalim!), ang buhay kolehiyo. Siyempre, nakakakaba na medyo exciting din naman. Tulad nga ng palagi kong sinasabi, laking pasasalamat ko at nakasama ko pa rin hanggang college ang ilan sa mga kaklase ko noong elementarya at high school, kaya medyo nakapag-adjust ako ng mabilis sa buhay kolehiyo.
Block AT3 kami noon (except sa pinakakainisan kong subject na PE). Kaya ayun, yun na ang tawag namin sa amin as a group… AT3 (As if kami lang sa buong kasaysayan ng Mapua ang naging section AT3 noh? Hehehe…).
Nakakapanibago talaga noong una kasi galing ako sa all boys school kaya first time ko talagang makakapag-mingle sa mga babae. Pero masyado yatang maganda ang swerte ko ng mga panahong iyon dahil mababait (masusungit… joke!) naman ang grupo ng mga kababaihan. The same sa mga lalaki, mabuti at mababait naman sila. Siyempre, at first, getting to know each other stage muna. Tapos nun, aminin na natin sa ating mga sarili na may mga tao na tayong kinaiinisan at mga gustong kasama. Minsan naman, eh nagbabago ang ihip ng hangin, yung mga kinaiinisan mo noon, eh makakasundo mo rin pala sa huli. Hindi naman sila naging BI (Bad Influence) sa akin (Baboy Influence lang! Bwahahaha).
Ang bilis lumipas ng panahon, at heto, anim na taon na pala ang nakakaraan. Parang kailan lang. Kahit papaano ay may mga komunikasyon pa rin kami. Nagkikita-kita pa rin once in a while sa kabila ng mga busy schedules.
Masaya ako sa mga tagumpay na tinatamasa nila ngayon. Sana ay maging masaya at maayos ang lagay namin palagi.
Happy Anniversary AT3! May we have many more anniversaries to come!
