Noong Biyernes ng gabi ay sabay kaming umuwi ng aking Mommy. Dumaan muna kami sa SM Makati parang mag-window shopping. Kumain muna kami ng dinner, na lasang lasa ang MSG. As usual, kapag nakakain kami ng MSG, ay siguradong aantukin kami.
Ganun na nga ang nangyari, pagdating sa intersection ng EDSA at ng Taft ay papikit-pikit na ako. Wah, ang sarap matulog. Feeling ko nga ay napapasandal na ako sa katabi kong babae kaya naglulumandi siya at parang pinandidirihan ako. Hello girl, dalawang beses na akong naliligo nung gabing iyon.
Maya-maya ay nagising ako at napansin kong lagpas na kami. Siyempre, hindi dapat magpahalata sa mga tao. Ginising ko si mama, sabi ko lagpas na kami. Hindi muna siya naniwala hangga’t napansin nga niyang nasa Imus na kami. Asar tuloy! Nag-jeep pa kami pabalik. Sayang ang 16 pesos.
Yan ang story #1. Ito naman ang story #2. Kinabukasan ay niyaya ako ni mama na pumunta sa Robinson’s Imus. And as expected, maiinis ako sa parking lot nila na napakagulo. Walang binatbat sa parking ng SM Bacoor. I swear, hindi talaga organized ang parking nila.
Nag-ikot-ikot kami ni mama. Maya-maya ay may lalaking lumapit. 10th anniversary na daw nila kaya sila may promo. Pinabunot si mommy sa mga hawak niyang papel. Binuksan ng lalaki sa harapan namin. Nanalo raw kami ng Door/Window alarm. Pinapasok kami sa store nila… “HOME SONIC” ang pangalan ng store. (Kaya sa mga magagawi dyan sa Rob Imus, eh iwasan niyo ang store na yan kung ayaw niyong masayang ang oras niyo!)
Nagtaka ako at bakit kailangan pang pumasok ng mommy ko sa loob ng Home Sonic na yun kung ibibigay lang ang door alarm. Pinaupo si mommy sa isang massager chair. Naamoy ko na na nagbebenta pala sila ng mga produkto. Kumbaga parang home tv shopping right in front of your face.
Maya-maya ay nag-demonstrate na sila ng induction cooker at cookwares na binebenta nila. Yah, na-amazed naman ako pero hindi ako magpahalata. Baka kasi sabihin pa nila ay interesado kami. Nagkunwari na lang akong nagtetext. How I wish may magtext sa akin ng oras na yun. Fiendly naman ang mga tao doon (na halata mo namang medyo plastik kasi nga bebentahan ka nila ng produkto). Umiral nanaman ang pagkamasungit ko kasi may babaeng humawak sa balikat ko habang iniinterview ako. Naku, kelangan pa ba akong hawakan doon? Nakakaasiwa kasi.
Tulad nga ng sabi ko, para akong nanood ng Home TV Shopping na live right in front of my face. Parang nakakita at nakarinig ako ng mga magical words na “But wait! There’s more!”. Ang scripted talaga ng dating nila. Maya-maya ay pinabunot nanaman kami. Ako na ang pinabunot ng mommy ko. Ang suwerte dahil 2000 pesos GC ang nakuha namin, plus, makukuha pa namin ang massage chair. Nagtilian ang mga babae at mga bading sa loob ng Home Sonic. Tinitignan ko ang iba. No reaction ang iba. Lalo kong nafeel na scripted ang lahat. At yung babae ay panay nanaman ang hawak sa akin. Hello girl, hindi ako nagfifeeling na may gusto ka sa akin. Wag na lang sanang plastik.
May lumapit na bading. Eto na ang ma-ala “But wait! there’s more!” na eksena. Sabi niya, “Hindi lang po yan ma’am! Dahil bibigyan ko pa po kayo ng…” Pumunta siya sa stock room at paglabas ay may dala dala ng isang kahon. “multi-purpose cooker!”. Nagpalakpakan nanaman ang mga tao at naghiyawan. 3 produkto na ang ibibigay sa amin: massager chair, multi-purpose cooker, at isang procukto na pang-mukha. Ayaw ko pa ring magpahalata na na-eexcite ako, pero iniisip ko na din kung saan namin ilalagay ang mga napanalunan namin.
Dalawa lang ang iniisip ko ng mga oras na yon. It’s either may kailangan pa kaming bilhin para makuha ang mga napanalunan naming produkto, or lalabas si Michael V. at sasabihing “Yari Ka!”. At heto na nga ang catch… Kailangang may bilhin raw kami from a list of products na super expensive naman. In fairness, good offer nga siya pero hindi naman namin kailangan ang mga iyon. Hindi pa tapos ang usapan nila ay tumayo na ako at lumabas sa sobrang inis. Tutal, parang bastusan na naman ang nagyari. Mabuti na yung umalis ako agad dahil baka makatikim sila na maaanghang na salita mula sa akin. Matapos ang ilang minuto, ay lumabas na din mommy ko. Mommy ko na ang nagsermon sa kanila. Pero nakuha pa rin naman namin yung door/window alarm (na nakita ko sa everything 88 at 55 store). Wow, ma-aapply pala dito ang kasabihan, “sa kinahaba-haba ng prusisyon, sa simabahan din ang tuloy”.
Nag-SM Bacoor na lang kami pagkatapos para maalis ang inis. Speaking of SM Bacoor, nainis nanaman ako kagabi ng bumili ui ako ng load. Well, may mali din naman ako kasi nakikinig ako sa mp3 habang bumibili kaya hindi ko marinig ng maayos ang mataray na cashier. Sinabi ko “Globe 100 po.” Actually, minukhaan ko muna kung siya ba yung nagtaray sa akin noon. Kasi kung siya, ay malamang sa iba na ako bibili or back with a vengeance ang drama ko. May tinanong siya. Di ko masyadong narinig. Umoo na lang ako. Ah, tanong pala niya ay “Sa celfone?”. Aba, nagtaray ang lola mo at tinuruan pa ako na yung binibili ko raw ay pang-celfone.
“Ah ganun ba miss??? Sorry ha? Hindi ko kasi alam ang binibili ko. Maraming salamat at tinuruan mo ako!”. Inisip ko na lan na malamang ay pagod na siya sa trabaho niya… pero teka, ako rin naman pagod na nung oras na yon ah! Galing pa akong Makati! Pagod na din ako! My gosh! Kailangan ng ibang mga taga-SM Bacoor ng Customer Service Training! Paging management!!!
