TIGblogs TIG | TIGblogs GROUP TIGBLOGS LOGIN SIGNUP
Rowjielogy
Rowjielogy
I Am Rowjie


Naman. Parang bago pa lang ang blog ko at ngayon pa lang ako nagpapakilala ah. Hahaha. Well, sa mga walang sawang napapadaan sa blog ko, maraming salamat. Sa mga bago pa lamang, ay welcome po sa aking blog. Ang mga blog entries ko ay makikita sa WordPress account an sa Multiply account ko.

Ewan ko ba kung masyado ko bang dinaramdam ang bagong subtitle ng aking blog na “Back To Basics” kaya heto at “introduce myself” nanaman ang drama ko. Well, siguro dahil for more than a year ay nag-nose bleed ako sa kakapost ng mga ingles na blog entries. Hindi ko naman pinagsisisihan dahil kahit papaano ay napraktis ang aking English. Pero I bet, sangkatutak ang wrong grammars ko. Haha. Nag-feeling lang siguro ako na magaling ako sa English. Haha.

Anyway, tulad nga ng titulo ng blog entry na ito, ako po si Rowell Cruz, a.k.a. Rowjie. Nickname ko na ang Rowjie since bata ako. Ayaw ko talaga yun gamitin noon. Ewan ko ba. Pero ngayon ay ginagamit ko na siya, particularly sa internet. Pero Rowell pa rin naman ang tawag sa akin sa personal.

Ako ay nagtatrabaho bilang isang mapagpanggap na Web Developer. Haha. Boring ang trabaho ko minsan, lalo na pag tinatamad ako. Pero enjoy naman pag sinisipag ang katawan ko. Mahiyain ako, kaya asahan mo ng napakatahimik ko. Pero tulad nga ng sinasabi ko, pag palagay na ang loob ko sa isang tao, eh iingay na rin ako.

Isang araw ay narealize ko na ang plastik ko pala. Bakit kamo? Mukha akong camwhore, or should I say camwhore talaga? Haha. Mula nung nagkaroon ng Friendster at kung anu-ano pa, ay isa ako sa mga todo pose sa pictures para ipost sa Friendster. Hindi lang yon, “thank you photoshop” din ang drama ko kasi ineedit ko muna ang mga larawan ko… pinapakinis ang balat… tinatanggal ang mga di kanais-nais sa balat. Noong kolehiyo kasi ako ay para akong tigyawat/taghiyawat na tinubuan ng mukha. Gusto ko sanang isipin na nasa puberty o adolescence stage pa ako noon kaya lang parang tinodo naman yata sa akin. At least, hindi ko naman pinagdusahan ang pagkakaroon ng bad odor. Haha. Salamat sa aking deodorant na Safeguard.

Marami na akong sinubukang mga produkto noon, pero lalo pang lumala. After ng college, ay laking pasasalamat ko at nalagpasan ko na ang madilim na nakaraan na yun. Meron pa rin namang mga pimpols pero hindi na yung over. Kontento na ako sa ganito. Feeling ko ang kinis kinis ko na, pero hindi pa rin naman. Hahaha. Wag na lang titingin sa salamin. Ayun, parang natanggap ko na din sa sarili ko ngayon na maarte talaga ang balat ko.

Nakakapagod na din ang pagpapacute sa pictures, hindi naman cute. (At nakakapagod na din ang pagophotoshop ng mga pictures noh!). Well, siguro tapos na din ako sa stage na yun. Time to be matured ika nga. Siguro ginagawa ko yun dahil masaya pag nakita mong mataas ang number of views mo sa friendster at maraming gustong i-add ka as their friend. Teka, hindi ako bitter ha? Haha. Nagsawa na rin siguro ako kakapanggap. Time to be true to myself na siguro, pero at the same time, proper care na din sa sarili ko.

Ayan. Camwhore na kung camwhore, pero hindi ko naman pinageffortan ang pagpopose dyan sa larawan na yan. Hehe. Siyempre, pinapakilala ko ang sarili ko kaya kailangan ko ng latest picture. Ang katabi naman ay isang obvious na ginaya sa album cover ni Jason Mraz na “We Sing, We Dance, We Steal Things”. Ganyan ang concept nun. Simple lang pero impressed talaga ako sa idea na yun. Kamukha ko ba yung nasa drawing? Hehe.

O siya siya… Sa mga susnod na araw ay gagamitin ko na talaga ang aking cam para maging exciting naman ang blog ko. Hehe. At madami-dami pa din akong ikulwento na kung anu-anong mga bagay! Salamat!


July 6, 2008 | 6:07 AM Comments  0 comments

You must be logged in to add tags.


Rowjie's Profile


Latest Posts
Hitlist Week 26
The (Not So) Daily Grind
Singkil
Hitlist Week 25
Underworld Awakening

Monthly Archive
January 2008
February 2008
March 2008
April 2008
May 2008
June 2008
July 2008
August 2008
September 2008
October 2008
November 2008
December 2008
January 2009
February 2009
March 2009
April 2009
May 2009
June 2009
July 2009
August 2009
September 2009
October 2009
November 2009
December 2009
January 2010
February 2010
March 2010
April 2010
May 2010
June 2010
July 2010
August 2010
September 2010
October 2010
December 2010
May 2011
June 2011
July 2011
August 2011
September 2011
October 2011
November 2011
December 2011
January 2012
February 2012

Change Language


Tags Archive
americanidol anthology brookewhite carlysmithson chikezieeze danimals dannynoriega davidarchuleta davidcook idol jasoncastro jasonmraz kokology kristyleecook michaeljohns personal plugs pointsofview ramielemalubay rowjiefullyyours rowjielogy rowjielogypresents soundtrip specialposts syeshamercado tagalogposts television topak videos weekinreview


52554 views
Important Disclaimer