Urduja, first RP animated film, gets ‘A’ rating
Source: GMANews.tv
Matagal-tagal na rin mula ng ipaalam sa publiko ang tungkol sa Urduja. Natuwa ako ng nalaman ko yun dahil first animated film ito na gawaing Pinoy. This is something to be proud of.
Medyo naiyak pa nga ako habang kinakanta ni Regine Velasquez sa Eat Bulaga noong Sabado ang kantang “Babae Ako” na ginamit sa pelikula. Pero hindi dahil nakarelate ako sa kanta ha, siyempre, hindi naman ako babae. Siguro dahil this makes us proud to be Pinoy. Kung kaya nila, eh kaya din natin.
Simula pa lang ito at sana ay marami ang sumunod sa sinimulan ng Urduja. Malay natin, baka pag nagtagal ay magkaroon na ng kapareho ang Walt Disney, Pixar, at Dreamworks dito sa Pilipinas.
Kaninang umaga naman ay nagulat ako dahil may Flash Report agad bandang alas-singko ng umaga. Kapag ganoon, ay siguradong may malaking nangyari sa magdamag. Magandang balita dahil nakalaya na si Ces Drilon at ang mga kasama niya.
Noong isang araw naman ay nagkaroon ako ng interes na lumapit sa booth ng Fitness First dito sa building kung saan ako nag-oopisina. Tinanong ko lang kung magkano. Tatawagan na lang daw ako. Alam kong makukulit ang mga tao sa Fitness First kaya tumwag sila kahapon at sinet ako ng appointment kahapon pagkatapos ng uwian. Tinour ako sa loob, plus libreng orange juice pa. Nang sabihin na sa akin ang presyo ay nalula ako dahil di ko yata kakayanin sa ngayon ang ganoong kalaking presyo. Eeskapo na sana ako. Sabi ko kasi, “Ngayon na ba talaga ako kailangang pumirma? Pag-iisipan ko muna”. Maya-maya ay tinawag na ang manager. Aba, sosyal, kinausap ako ng manager. Haha.
Binaba nila ang presyo. As in sobrang baba ng ibinagsak. Kaya unti-unti ay sumagot na ako ng “Oo”.
Habang tinutour ako, ay may tumawag sa pangalan ko. Kinabahan ako. Buking ako na medyo interesado pala akong mag-gym. Si Justine pala, kaibigan ko mula noong elementary pa kami. Isa na yon siguo sa mga rason kung bakit pumayag na din ako, kasi at least may makakasama na ako. Nung umaga naman ay nakasabay ko ding pumasok ang isa namang high school friend na si Marti. Parang tumangkad pa siya lalo. Sana naman nag-share siya kahit konti sa akin. Haha. Nakatingala kasi ako kapag kausap ko siya.
Good luck sa Urduja. Good luck kayna Ces Drilon pagkatapos ng nangyari sa kanila. At good luck sa aking pagfafatness first!
