TIGblogs TIG | TIGblogs GROUP TIGBLOGS LOGIN SIGNUP
Rowjielogy
Rowjielogy
Ganito Naglahong Parang Bula Ang Aking 100 Pesos


Nakakapagod dahil tinodo na namin ang paglipat namin ng bahay noong Sabado. Halos isang buwan din naming inunti-unti ang pagdadala ng mga gamit namin sa bago naming bahay. Nung Sabado ay dinala na namin doon ang mga malalaking gamit gaya ng refrigerator, dining set, etc. Kaya talagang kailangan na din naming doon matulog dahil nandun na lahat ng gamit namin.

Kahapon naman ay inayos na namin ang mga gamit namin. Medyo ayoko ng mga ganun kasi siguradong may mawawala akong gamit, gaya ng earphone ng IPOD ko, at ng prepaid card na hindi ko pa nagagamit.

Ito ang kwento ng prepaid card na yun.

Bumili kasi ako ng prepaid card ng Globe na 100 pesos sa SM Makati. Sa bahay ko na siya niload. Pag-scratch ko eh malabo ang tatlong numero. Triny kong hulaan pero baka mapudpod na ang daliri ko kung huhulaan ko. Sabi ng ate ko na itawag ko na lang sa customer survice ng Globe sa 211. Tumawag ako. Hiningi ang serial number ng card. Sabi sa akin, mga 3 to 5 hours daw.

Pagkatapos ng ilang oras, tumawag ulit ako. Kasalukuyan pa raw pinaprocess. 24 hours daw. Sabi ko sa sarili ko na baka nagkamali lang ako ng dinig nung una at 24 hours talaga. Medyo natuwa pa ako kasi may record din pala sila ng information na binigay mo.

After 24 hours, (actually more pa) eh tumawag uli ako. Bading ang nakasagot. Halata sa boses. Humingi ako ng update sa reklamo ko. As a SOP, hiningi nila ang celfone number ko at pangalan ko. Binigay ko… “0916***00**”, sabi ko. Siyempre, uulitin niya. “0916***20**”. Hindi ko alam kung 2-0 ba ang sinasabi niya o two zeros, as in dalawang zero. Kaya pinaulit-ulit kong sinabi ang 0-0. Pero 2-0 pa rin siya ng 2-0. Nakakalito kasi kung ganun ang sasabihin niya. Samantalang 0-0 ako ng 0-0. Nagsimula ng uminit ang ulo ko.

Wala raw siyang makitang record ng reklamo ko. Kaya sinabi ko ulit: “0-0 yun ha”. At inulit ko ulit ang celfone number ko. Pero malayo naman yata ang tunog ng zero sa two. Nagkataong hindi ko pa makita yung call card na binili ko. Kaya sinabi ko na lang na “Hahanapin ko na lang yung card”. Sabay baba ng phone. Pasensya, mahilig talaga ako magbaba ng phone pag naiinis na ako sa kausap ko.

Tumawag uli ako sa 211. This time, babae ang nakasagot. Finorward niya ako sa “prepaid cards” section achuchuchu. Lalaki na ang nakasagot. At yun, nakita niya ang record ng reklamo ko. Sabi sa akin, “Pinaprocess na po. 24 hours po”. Uminit nanaman ang ulo ng lolo mo kaya sinabi ko: “Kapaon pa yang 24 hours na yan ah”. Wala naman siyang nasabi sa akin na ikakalamig ng ulo ko. Basta daw 24 hours. Asar na ako kasi wala na akong load.

Kaya ng ang kinalabasan ay bumili na lang uli ako ng load. Kasi kung hihintayin ko pang 24 hours nila, eh baka naman di ko na masagot ang mga importantent text messages sa akin.

After how many days pa akong naka-received ng text mula sa kanilang customer service. Papalitan ko na lang daw sa malapit na Globe center. Kaya lang, dahil nga naglilipat kami ng mga gamit, eh nawala na ang prepaid card at ang resibo.

Sayang ang isang daang piso. Naglahong parang bula.


June 15, 2008 | 10:06 AM Comments  0 comments

You must be logged in to add tags.


Rowjie's Profile


Latest Posts
Mobile Thoughts #2
Season Starter
400th Entry: The Best...
Keep On Moving
Birthdate Tells It So

Monthly Archive
January 2008
February 2008
March 2008
April 2008
May 2008
June 2008
July 2008
August 2008
September 2008
October 2008
November 2008
December 2008
January 2009
February 2009
March 2009
April 2009
May 2009
June 2009
July 2009

Change Language


Tags Archive
americanidol anthology brookewhite carlysmithson chikezieeze dannynoriega davidarchuleta davidcook icebreaker idol jasoncastro jasonmraz kokology kristyleecook michaeljohns personal plugs pointsofview ramielemalubay rowjiefullyyours rowjielogy rowjielogypresents soundtrip specialposts syeshamercado tagalogposts television topak videos weekinreview


22235 views
Important Disclaimer