Una sa lahat, binabati ko ang aking mommy ng isang “Maligayang Kaarawan!”. Sa linggo naman ay Father’s Day. In case na hindi ako makapagblog sa linggo, eh binabati ko na rin ang aking daddy ng “Happy Father’s Day!”. Hmmm. Father’s nga ba or fathers’? I prefer the second one kasi plural yun - para sa lahat ng tatay sa buong mundo.
Anyway, nasabi kong baka busy ako this weekend dahil tatapusin na namin ang paglilipat ng bahay this weekend. Noong mga nakaraang linggo ay busy kami sa pagdadala unti-unti ng aming mga gamit sa lilipatan naming bahay. Bukas, ay dadalhin na namin doon ang natitira pa naming mga gamit gaya ng dining table, refrigerator, at washing machine.
Malaking adjustment ang gagawin ko nito sa Lunes(kung hindi ako tatamarin pumasok sa opisina). Dapat siguro ay mas maaga na kaming umalis ng bahay. Hay.
Na-touched ako sa lola ko nung isang gabi. Sabi niya na lilipat na daw kami. Tuwing maysakit kasi ako o wala man at nasa bahay ako, eh dinadalhan niya ako ng noodles o ang paborito kong niluluto niya na sopas. Hindi na raw niya kami masusubaybayan dahil nga lilipat na kami. Lumabas ang mga luha sa kanyang mata. Nalungkot din naman ako. Mamimiss ko din naman siya siyempre. Sisiguraduhin ko na lang na mabibisita pa rin namin siya once in a while.
Nakabili na din ako ng baging CD ni Jason Mraz na “We Sing, We Dance, We Steal Things”. May 19 pa siya rinelease ngunit ang tagal niya na-i-release dito sa Pilipinas. Ang ganda ng concept ng album cover. Pero siyempre, okay ang mga songs sa album.
Kahapon naman ay may meeting ako sa mga kataas-taasan at mga kagalang-galangan dito sa opisina namin, ngunit hindi ito natuloy. Medyo nainis ako dahil pinaghandaan ko naman siyempre ang meeting na yun. Medyo hindi kasi ako makakilos ngayon dahil kailangan talaga naming mapagusapan ang mga dapat gawin. Tinatamad nga akong pumasok ngayon pero sayang naman ang kikitain ko ngayong araw kung aabsent ako. Besides, payday ngayon at gusto kong dumaan sa mall mamaya.
Natutuwa ako at medyo mataas ang rating ng aking blog kahapon. Haha. Dahil ito siguro sa aking independence day post. Marahil ay maraming estudyante ang nag-research kung ano ang mga nangyaring selebrasyon kahapon. Pasensya dahil nagbigay lang ako ng opinyon ko tungkol sa araw ng kalayaan kahapon. Hehe. Medyo asar din ako dahil may “search engine term” (maiintindihan ito ng mga gumagamit at gumamit ng WordPress) na lumabas sa aking blog kahapon na kailan ba raw ipinagdiriwang ang anibersaryo ng araw ng kalayaan… Hmmm… Wake up call! Wake up call!
Kahapon din ay inilibing na si Rudy Fernandez, a.k.a. “Daboy”. May he rest in peace and sana ay bigyan ng lakas ang kanyang mga naulila.
