Kinagisnang pamamaraan sa pagsusulat tungkol sa anumang mga bagay. Magsasampung taon na mula nung simulan kong magsulat sa isang journal. Doon nagmula ang lahat kung bakit ngayon ay nagbablog ako. Masarap siya balik-balikan. Bukod doon, ay masarap din balik-balikan ang mga kwento na naisulat ko sa mga panahong iyon.
Rewind. Balikan ang mga kwento ng nakaraan.
Pause. Ito ang bagong yugto ng aking blog na sana ay mas maganda at mas masaya.