Pinoy Po! Ep.17: Abril 4, 2007 ng aking simulan ang “Pinoy Po!” bilang isa sa mga “department/category” sa aking blog. At heto ngayon, isang taon na siya! Happy Anniversary! Hehehe. At tulad ng aking naipangako (kanino?!?), ay magbabalik tanaw ako sa lahat ng “Pinoy Po!” blog entries ko sa nakaraang taon.
Nakakatuwa kapag dumadating ang mga ganitong klase ng pagkakataon. Ako kasi yung klase ng tao na medyo madaling magsawa sa isang bagay kapag hindi na ako masaya dito. Pero pag nagustuhan ko talagang gawin ang isang bagay, talagang paglalaanan ko siya ng panahon, katulad na lamang ng blog na ito, at ng Pinoy Po!. Hehe. Kaya ko ginawa ito ay dahil gusto kong maging aware na marami pa ring rason para maipagmalaki natin na tayo ay Pinoy.
Ep.1: Holy Week Ng Mga Pinoy (April 4, 2007)
Ep.2: Paghahanda Sa Eleksyon 2007 (April 13, 2007)
Ep.3: Ang Mga Holidays Sa Pinas (April 30, 2007)
Ep.4: 4 Na Araw Bago Ang Eleksyon (May 10, 2007)
Ep.5: Hunyo Na! (June 1, 2007)
Ep.6: Proud Pinoy Po Ako! (July 24, 2007)
Ep.7: Magtipid Ng Tubig! (August 14, 2007)
Ep.8: WikiPilipinas (September 4, 2007)
Ep.9: Yabang Pinoy! (October 23, 2007)
Ep.10: Paskong Pinoy Po! (November 12, 2007)
Ep.11: Isang Kinabukasan (November 23, 2007)
Ep.12: And I’m Telling You, I’m Not Going (December 5, 2007)
Ep.13: Maligayang Pasko! (December 19, 2007)
Ep.14: Pinoy Po! 2008 (January 16, 2008)
Ep.15: Pinay Po! Ramiele Malubay & Olivia (March 5, 2008)
Ep.16: Cory, Manny… Pinoy Po… Idol. (March 25, 2008)
Sana ay patuloy pa rin tayong makarinig ng mga balita tungkol sa mga Pinoy na ating maipagmamalaki. Actually, kahit tayo ay kaya nating ipagmalaki ang ating mga sarili, basta lang ay ipagpatuloy at pa natin ang mabuting pagkakakilala sa atin ng ibang mga tao sa buong mundo.
