TIGblogs TIG | TIGblogs GROUP TIGBLOGS LOGIN SIGNUP
Rowjielogy
Rowjielogy
Pinay Po! Ramiele Malubay & Olivia


Pinoy Po!Pinoy Po! Ep.15: Lalong sumikat sa mga Pinoy ang “American Idol” ng mapabilang bilang mga kalahok sina Jasmine Trias at Camille Velasco noong Season 3. Ngayong Season 7 na ng American Idol, ay tiyak na mas marami pang manonood nito dahil sa ito ay mapapanood na sa isang local channel (QTV Channel 11), ito ay nasa primetime, at dahil may isa nanamang Pinay na kalahok - si Ramiele Malubay.

Kapansin-pansin talaga si Ramiele dahil ang hitsura niya ay naiiba sa lahat ng mga kalahok. Mukha talaga siyang Filipina. Pero siyempre, bukod sa hitsura, eh maipagmamalaki rin naman ang kanyang talento sa pag-awit. Wala na sigurong duda doon dahil napasama na siya sa Top 24 ng American Idol Season 7.

Isa yan sa mga rason kung bakit “adik” ako sa panonood ng American Idol ngayon. Sana ay maging maganda palagi ang mga performances niya at sana ay magtuloy-tuloy ito sa pagiging American Idol.

Pindutin Dito!

Si Olivia naman ay isa sa mga bagong Pinay singers ngayon. Pop Jazz naman ang kanyang genre. Naging interesado akong pakinggan ang kanyang album dahil sa ibang genre naman ang kanyang handog para sa ating lahat. (Tulad nung nauso bigla ang Bossa Nova sa Pilipinas)

Hindi lang basta-bastang singer itong si Olivia. Binasa ko ang kanyang Multiply site at marami pa akong nalamang mga bagong bagay tungkol sa kanya which impress me. At bukod pa dun, eh mukhang mabait siya sa mga ordinaryong taong tulad ko na humahanga sa kanya. Kung patuloy na palaging nakatapak ang kanyang mga paa sa lupa, ay siguradong tatagal siya sa industriyang ito, at dadami pa ang hahanga sa kanya.

Pindutin Dito!


March 5, 2008 | 1:03 AM Comments  0 comments

You must be logged in to add tags.


Rowjie's Profile


Latest Posts
Mobile Thoughts #2
Season Starter
400th Entry: The Best...
Keep On Moving
Birthdate Tells It So

Monthly Archive
January 2008
February 2008
March 2008
April 2008
May 2008
June 2008
July 2008
August 2008
September 2008
October 2008
November 2008
December 2008
January 2009
February 2009
March 2009
April 2009
May 2009
June 2009
July 2009

Change Language


Tags Archive
americanidol anthology brookewhite carlysmithson chikezieeze dannynoriega davidarchuleta davidcook icebreaker idol jasoncastro jasonmraz kokology kristyleecook michaeljohns personal plugs pointsofview ramielemalubay rowjiefullyyours rowjielogy rowjielogypresents soundtrip specialposts syeshamercado tagalogposts television topak videos weekinreview


22431 views
Important Disclaimer