TIGblogs TIG | TIGblogs GROUP TIGBLOGS LOGIN SIGNUP
Rowjielogy
Rowjielogy
Separation Anxiety

Unang sabak ko sa paaralan ay sa pampublikong paaralan dito sa may amin sa Cavite. Ngunit mga dalawa o tatlong araw lang yata ako pumasok sa Kinder 1 dahil sa kadahilanang ayokong magpaiwan sa eskwelahan. Kaya ayun, ang ending, tumigil agad ako sa pag-aaral. Siyempre, natuwa naman ako. Habang ang mommy ko naman ay nababahala na dahil tumatakbo ang oras na hindi ako nag-aaral. Ewan ko ba kung ano ang dahilan ko kung bakit hindi ako nagpapaiwan sa eskwelahan. Dahil ba masyado akong na-attached sa family ko? O takot ako sa mga siga sa eskwela na maaari akong awayin at paiyakin?

Sapilitan na talaga kaya pinakuha na ako ng mommy ko ng entrance exam for Kinder 2. Siyempre, nag-ngangangawa nanaman ako. Habang nag-eexam ako ay panay ang tingin ko sa mommy ko sa labas at pinipilit na pumasok siya sa loob ng classroom. Ang ending? Nagtest ako katabi ng mommy ko (habang tinatanong sa kanya ang mga sagot).

Sa kabutihang palad naman ay nakapasa ako at pinahintulutan akong mag Kinder 2 agad kahit hindi ako nakapag Kinder 1. Pero may isa pang record breaker akong nagawa dahil nagresign ang mommy ko sa trabaho dahil nga ayaw kong magpaiwan sa eskwelahan. Lumipas ang isang buong school year na ganun ang eksena. Kinuha pa ako ng mommy ko ng tutor para matutunan ko ang lahat ng dapat kong matutunan. Sa kabutihang palad uli, nakagraduate ako ng Kinder at handa na sa buhay elementarya.

Ganun pa din tuwing first day of school ang eksena sa mga sumunod na 3 taon. Ihahatid ako ng mommy ko sa eskwelahan pag first day, at pag paalis na siya, ay nangingilid na ang luha ko. Pero nagimprove naman ako dahil hindi na humahantong sa point na nagngangangawa ako at lumalabas mula sa loob ng classroom.

At congratulations dahil na-overcome ko naman ang separation anxiety. Siguro ganun talaga, kailangang pabayaan para mawala ang anxiety.

Siguro dahil na rin ito sa unti-unti na akong nakakilala ng mga kaibigan sa eskwelahan. Yung iba siguro ay saglit lang kaming naging close, ngunit may mga tao din naman na hanggang ngayon ay nandyan pa rin. Ang iba sa kanila ay kabarkada ko pa rin hanggang ngayon. Kaya masasabi ko na malalim na talaga ang mga pinagsamahan namin dahil nasaksihan namin ang isa’t-isa mula pagkabata.

Naging masaya naman ang mga unang taon ng aking buhay elementarya. Unti-unti ko na rin noong nakikilala kung sino ako… yung bang pagkatao ko at ang mga bagay na gusto kong gawin.


Inihanay sa:Silver Year In Polaroid Tagged: Rowjie

April 13, 2010 | 11:04 AM Comments  0 comments

Tags:
You must be logged in to add tags.


Rowjie's Profile


Latest Posts
Moving…
Hitlist Week 31
Hitlist Week 30
Hitlist Week 29
Lessons From SG Adventure

Monthly Archive
January 2008
February 2008
March 2008
April 2008
May 2008
June 2008
July 2008
August 2008
September 2008
October 2008
November 2008
December 2008
January 2009
February 2009
March 2009
April 2009
May 2009
June 2009
July 2009
August 2009
September 2009
October 2009
November 2009
December 2009
January 2010
February 2010
March 2010
April 2010
May 2010
June 2010
July 2010
August 2010
September 2010
October 2010
December 2010
May 2011
June 2011
July 2011
August 2011
September 2011
October 2011
November 2011
December 2011
January 2012
February 2012
March 2012

Change Language


Tags Archive
americanidol anthology brookewhite carlysmithson chikezieeze danimals dannynoriega davidarchuleta davidcook idol jasoncastro jasonmraz kokology kristyleecook michaeljohns personal plugs pointsofview ramielemalubay rowjiefullyyours rowjielogy rowjielogypresents soundtrip specialposts syeshamercado tagalogposts television topak videos weekinreview


58579 views
Important Disclaimer