Una sa lahat, huling araw na ng Oktubre… Happy Halloween! Happy birthday naman sa mga kaibigan ko na sina Justine, na nagdiriwang ng kaarawan ngayon, at kay Carlo, na nagdiwang naman ng kaarawan kahapon.
Masaya ang mood sa opisina namin ngayon dahil may Halloween Party kami mamayang hapon. Wag ko na lang isipin na idineklarang half day ang ibang opisina ngayon. Kaya bilang paghahanda, ako ay dumaan sa SM Bacoor kagabi upang bumili ng mga props at candies.
Bago ako umuwi ay dumaan muna ako sa lahat ng record bars sa SM Bacoor upang hanapin ang unang album ni Jason Mraz na “Waiting For My Rocket To Come”. Wala akong makita talaga. Sabi ko kasi noon na kapag nagka-extra akong pera ay kukumpletuhin ko ang Jason Mraz collection ko. Sa record bar ng SM Bacoor na yata ang pinaka-kumpleto kaya doon na ako nagtanong kung meron ba sila nung unang album ni Jason Mraz.
Sales Lady: Sir, Jason Mraz? Yan po yung bago niya. (Sabay turo sa We Sing, We Dance, We Steal Things)
Rowell: Meron po kayo nung una niyang album?
Sales Lady: Kinuha ang MR. A-Z na CD. Ito po yung una niyang album.
Rowell: Yung nauna pa po dyan…
Sales Lady: Eto po ang una niyang album (tinuro ang MR. A-Z), tapos ito (tinuro ang live album), tapos eto (tinuro ang We Sing, We Dance, We Steal Things.)
Rowell: (Walang nasabi. Napailing na lang at umalis ng maayos.)
Sales Lady: … ayaw maniwala…
Naglalakad na ako paalis ng narinig ko ang sinabi niya. Mabuti at pagod na ako at wala ako sa mood na balikan siya. Pero kung sa sobrang inis ko ay binalikan ko siya? Heto ang sasabihin ko.
“Miss, hindi po talaga ako maniniwala. I may not be Jason Mraz’s greatest fan pero sinusundan ko ang career niya. Hahanap ako ng una niyang album. Babalikan kita, ipapakita ko sa yo. Tapos sabihin mo sa akin kung ano ang pinakauna niyang album. And oo nga po pala, mas nauna pa po yung live album kaysa sa MR. A-Z.”
Ang sa akin lang naman, wala namang kaso sa akin kung hindi niya alam kung ano ang first album ni Jason Mraz. Kaya lang bakit kailangan pa niya magkomento ng ganun??? Strike 3 na ang SM Bacoor sa akin…
Nabasa ko kamakailan sa isang blog, “never mess with a blogger” daw kasi gagawin ng isang blogger na outlet ng inis ang kanyang blog. Hindi ito paninira sa SM Bacoor. Talagang nangyari ang kwentong ito. Besides, wala naman akong mapapala kung sisiraan ko sila. Hindi ko naman nilalahat, kase may mababait din naman ang karamihan sa kanila.
Strike 1 | Strike 2
Posted in Jason Mraz, Mrazmerized, Tagalog Posts Tagged: MR. A-Z, SM Bacoor, Waiting For My Rocket To Come, We Sing We Dance We Steal Things
