TIGblogs TIG | TIGblogs GROUP TIGBLOGS LOGIN SIGNUP
Rowjielogy
Rowjielogy
« previous 5


Tila Pagtatapos Ng Isang Kabanata Sa Opisina


Kakaiba ang pakiramdam ko ngayong araw na ito sa opisina. Bukod sa absent ako kahapon, ay medyo hindi pa rin maganda ang pakiramdam ko dahil sa… (mahabang kwento).

Ang isang department dito sa opisina namin ay lilipat na sa main office namin. Kaya ibig sabihin, last day na nila dito ngayon. Iba na ang uupo sa pwesto nila sa mga susunod na araw. Patapos na rin ang kontrata ng kumpanyang ito sa system na ginagamit namin ngayon dito. Pagpatak ng Oktubre, ay bago na ang gagamitin namin. Ibig sabihin rin nun ay magiging sobrang busy ako sa mga susunod na araw. Pero sana hindi masyado.

Kaya feeling ko ngayon ay magsisimula ng isang bagong kabanata ang opisinang ito sa susunod na linggo.

Wala pa naman akong planong mangibang bakod pero aaminin ko na palagi siyang dumadapo sa aking isipan. Umigiting ang ideyang yon kanina ng ako ay maluha sa inis sa isa sa mga tao dito sa opisina.

Ganito ang kwento nun. Nasira ang printer nila sa department last week. Sumaklolo ako (sa kabila ng gabundok kong trabaho). Kailangang palitan ng “print head” ang printer nila. Irineport ko sa namamahala ng supplies. Siniguro ko naman na makakapagprint sila sa ibang printer.

Kanina, isang nakakainis na pangyayari ang naganap. At wala akong pakialam kung mababasa man niya ito. Tinanong niya ako kanina kung kamusta na ba raw yung printer nila. Sinabi ko (for the nth time) na hindi pa nabibili yung kailangang palitan dun sa printer.

Maya-maya ay narinig ko ang kanyang galit na boses… “Bakit pag ibang printer ang sira, sa amin niyo kinokonek? Pero pag sa amin, hindi niyo ginagawa? Did you get it? Ha? MIS?.” Hiyang hiya ako ng mga oras noon. Parang may luhang lalabas sa mata ko. Pinigilan lang ako ng kaibigan ko na magsalita. Pero muntik na talaga akong magsalita ng mga oras na yun.

Kilala mo ako. Tahimik lang ako, pero makikipag-away ako kahit sino ka pa.

Pero para ma-release ko ang gusto ko sanang sabihin, heto…

“Ma’am. For your information, I did everything I can for your printer. Ang problema kasi ay print head. Di ko na hawak yun. Kung piso lang sana yun, eh baka nagdonate na ako. Wag mo naman sabihin at ipagsigawan na wala kaming ginagawang aksyon. Halos araw-araw ako nandyan sa lugar niyo para masiguro lang na nakakapagprint lahat yang nasa department mo. Hindi lang ho yan ang ginagawa ko sa opisinang ito. Halos magkasakit na ako para lang makahabol sa deadline ko. Pero binibigyan ko pa rin kayo ng oras. Oo, alam ko kasama yan sa trabaho ko. Pero hindi naman yata tama na sabihin mo na wala kaming ginagawa. Sana mabasa mo itong balang araw.”

Maya-maya ay finollow up ko kung nakabili na ba ng printhead. Hindi raw inapprove dahil 5000+ pala yun. Masyado palang expensive. Pwede ng bumili ng bagong printer sa halagang iyon. Nakita ko yung babae na kausap yung responsible sa mga supplies namin. Ang bait niya. Pero kaninang umaga, parang ipinahiya niya ako sa harap ng maraming tao.

Tulad ng sabi ko sayo, kahit sino pa yan, kung alam kong may katwiran ako, eh lalaban ako. Wag na lang sana siya tumawag uli sa akin para humingi ng tulong. Okay na ako dun.

Posted in Personal, Tagalog Posts, Work Files      

September 26, 2008 | 5:09 AM Comments  0 comments



Walk Along With Me


Noong isang araw habang ako ay naglalakad patungo sa aming opisina, ay may nakasabay akong lalaki na may dalang saklay… dahil hindi siya makakalakad kung wala iyon. Pormal ang kanyang bihis, kaya malamang siya ay papasok rin sa opisina kagaya ng karamihan ng naglalakad sa Ayala ng mga oras na iyon.

Kahit papaano ay nakaramdam ako ng awa para sa kanya, ngunit mas nangibabaw ang paghanga ko sa kanya. Sa kabila kasi ng kanyang kapansanan ay pinipilit pa rin niyang makipagsabayan sa mga taong nakakapaglakad ng maayos. Hindi niya yun ginawang dahilan upang tumigil ang kanyang mundo.

Isa rin itong paghanga sa mga kumpanyang binibigyan ng pagkakataon ang mga taong may kapansanan na makapagtrabaho.

Posted in Tagalog Posts   Tagged: Ayala Avenue   

September 24, 2008 | 9:09 AM Comments  0 comments



Global Warming: Global Problem


Dahil sa 3 VCDs for 200 pesos na sale sa Odyssey, ay napabili ako ng “An Inconvenient Truth”. Ito ay tumatalakay sa global warming. Oo, ilang beses na nating narinig ang “global warming”. Ngunit alam ba natin talaga kung ano iyon?

Salamat sa An Inconvenient Truth at nalaman ko kung ano ba ang sanhi ng global warming. Ito ay dahil sa carbon dioxide. Natatrap ang mga CO2 sa ating atmosphere. Kaya ang init na nagmumula sa araw ay natatrap sa ating atmosphere. Dahil diyan, nararanasan natin ang matinding init… ang malalakas na pag-ulan… Nag-ugat-ugat na ang mga epekto ng global warming.

Dahil gusto ko naman makapanood ng something about global warming sa Pilipinas, ay bumili ako ng DVD ng Signos: Banta Ng Nagbabagong Klima.

Katulad ni Richard Gutierrez, nagsimula ang awareness ko sa ganitong bagay ng sumali ako sa Greenpeace, at pagkatapos kong mapanood ang An Inconvenient Truth.

Nakakakilabot talaga ang epekto ng global warming kung hindi natin ito masosolusyunan sa lalong madaling panahon. Actually, unti-unti na nating nararanasan ang epekto nito. May magagawa pa tayo kung tayong lahat ay magtutulungan.

Ito ay problema ng buong mundo, kaya dapat lahat tayo ay kumilos talaga para solusyonan ang problemang ito bago pa mahuli ang lahat. Sa mga susunod ko pang blog entries ay tatalakayin pa natin ang Global Warming at kung an-ano ba ang mga bagay na magagawa natin para masolusyonan ito.


September 17, 2008 | 9:09 AM Comments  0 comments



Tila Nakakabaliw


Masasabi ko namang nakabawi ako sa tulog nitong nagdaan na weekend. Para nga akong sobrang kulang sa tulog dahil kahit matulog ako ng matulog, ay nakakadama pa rin ako ng antok.

Kagabi ay muli akong nakaranas ng katahimikan sa aking kwarto habang hindi nakasindi ang ilaw. Parang ang tagal na rin mula ng nakaranas ako ng ganoong pakiramdam. Ngunit hindi ko nagustuhan ang naramdaman ko. Tila ang dami-daming pumapasok sa isipan ko. Parang nakakabaliw…

Ilang buwan na rin siguro marahil na ako ay masyadong busy sa trabaho at kung anu-ano pang mga gawain. Yung bang nawalan ako ng panahon para magmuni-muni. Gustuhin ko mang umabsent kahit isang araw, ay hindi ko magawa ngayon dahil sa dami ng trabaho. Pero pinangako ko sa sarili ko na magaabsent ako pag natapos lahat ng kailangan kong gawin.

At ngayon, tila iba ang pakiramdam ko. Para akong magkakasakit. Actually medyo last week ko pa inaasahang makaramdam ng ganito matapos ako maulanan noong isang linggo.

Gusto ko muling mapag-isa kahit isang saglit upang makapag muni-muni tungkol sa mga bagay-bagay.


September 15, 2008 | 2:09 AM Comments  0 comments



Kokology: Deep In The Mountains


Kokology On Rowjielogy

1. You have to set off to climb a mountain, in search of a fabulously rare stone. What is your impression of the mountain as you stand at it’s foot?
2. After a hard search, you still haven’t found the stone, and now the sun has fallen. What will you do next?
3. You have finally discovered the stone you were seeking. What kind of stone is it? Describe it’s size, weight, and value.
4. Now it is time to come down from the mountain and return home. What parting words do you have for the mountain, and what is its reply?

My Answers

1. It is so tall, and it seems like the mountain is challenging me if I can reach its peak.
2. Since it’s already dark, I’ll search for the stone tomorrow and do other things to enjoy.
3. Diamond, because it is my birth stone. Maybe I will believe that it is a lucky charm so it would be something handy which I can bring anywhere I go.
4. Since I found what I was looking for, I’ll consider the mountain as my friend. I will thank the mountain for not failing me. The mountain will say , “You’re welcome.” And he is grateful for helping me.

Key to “Deep In The Mountains”

1. Your impression of the mountain shows the image you have of your father.
2. The stone you are searching for represents your as yet undiscovered talent or strength. Your response to this questions shows whether you will ever realize that untapped potential.
3. The way you described the stone shows your feeling of self-worth.
4.  Your parting words to the mountain reveal what you have always wanted, but never been able, to say to your father. The mountain’s reply shows your idea about his feelings for you.


September 11, 2008 | 6:09 AM Comments  0 comments



« previous 5


Rowjie's Profile


Latest Posts
Hitlist Week 26
The (Not So) Daily Grind
Singkil
Hitlist Week 25
Underworld Awakening

Monthly Archive
January 2008
February 2008
March 2008
April 2008
May 2008
June 2008
July 2008
August 2008
September 2008
October 2008
November 2008
December 2008
January 2009
February 2009
March 2009
April 2009
May 2009
June 2009
July 2009
August 2009
September 2009
October 2009
November 2009
December 2009
January 2010
February 2010
March 2010
April 2010
May 2010
June 2010
July 2010
August 2010
September 2010
October 2010
December 2010
May 2011
June 2011
July 2011
August 2011
September 2011
October 2011
November 2011
December 2011
January 2012
February 2012

Change Language


Tags Archive
americanidol anthology brookewhite carlysmithson chikezieeze danimals dannynoriega davidarchuleta davidcook idol jasoncastro jasonmraz kokology kristyleecook michaeljohns personal plugs ramielemalubay rowjiefullyyours rowjielogy rowjielogypresents smbacoor soundtrip specialposts syeshamercado tagalogposts television topak videos weekinreview


52657 views
Important Disclaimer