TIGblogs TIG | TIGblogs GROUP TIGBLOGS LOGIN SIGNUP
Rowjielogy
Rowjielogy
« previous 5


Masa


Masa… Masandal tulog. Una kong nalaman ang term na yan mula kay Bernadette Sembrano noong nasa GMA Channel 7 pa siya. Ganoong klaseng tao raw kasi siya… kagaya ko. Hehe…

Alam ko na naiinis palagi sa akin ang mga katext ko kapag gabi dahil most of the time ay bigla-bigla na lang akong hindi magrereply sa kanila. Ang dahilan? Naktulog ako. Kaya kapag humihiga ako sa kama kapag gabi, 90% sure na makakatulog na ako. Dala na rin siguro iyon ng kulang sa tulog, kapaguran, at kabusugan. Haha. Parang baboy.

Worst scenario kapag nakakatulog na din ako kahit sa sasakyan, matching hawak sa hawakan hanggang unti-unti akong bumitiw at bumagsak ang aking kamay sa kung saan man siya babagsak. Siyempre, dedma na lang ako. Kunwari babalik ako sa pagtulog pero sa totoo lang ay nahihiya ako.

Naalala ko ng nakakuha kami ng mga libreng tiket sa U23D sa IMAX Theater sa SM Mall Of Asia. Pinatos ko na kasi first time kong makakapasok sa IMAX noon. At sayang din naman kasi libre. Naniniwala akong music icon na ang bandang U2 pero di talaga ako fan ng kanilang banda. Kaya hayun, bandang kalagitnaan ng concert ay unti-unti akong napahimlay sa upuan at nakatulog. Paggising ko ay huling kanta na. Sabi nga ng mga kasama kong officemates, “Saan ka nakakita ng nakatulog sa concert?”. Haha.

Teka, bakit ko nga ba nakwento ito? Kasi kahapon ay may mga bisita kami mula sa Hong Kong. Di ko akalain na isasama ako sa meeting. Kung kailan may malaki akong tigyawat at kung kailan namumula ang isa kong mata, ay saka naman may VIP. Di ako makatingin sa kanila dahil mukha akong nakadroga.

Enjoy naman dahil libre ang aking lunch kahapon. Kumain kami sa Pizza Hut. At ang inyo pong abang lingkod ang napagdiskitahan nilang umubos ng mga tirang pagkain (parang aso. hehe. joke!). Masarap ang mga pasta. Pero mas masarap pa rin ang luto ng ate ko (sipsip!). Pati desserts ay natakam sila. Tumikim din ako though hindi talaga ako mahilig sa matatamis. At hayun, inantok nga ako nung hapon habang nasa meeting. Di ko alam ang gagawin ko para magising ako. Siyempre, kunwari nakikinig ako sa pinaguusapan pero sa totoo lang ay nasa kawalan na ang aking isipan. At matapos ang ilang minuto, di ko na kinaya. Nakatulog na pala ako. Nagising lang ako dahil tinapik ako ng aking supervisor. Nakakahiya na nakakatawa. Binigyan niya tuloy ako ng mango juice. Fortunately ay hindi na din bumalik ang antok ko.


August 26, 2008 | 11:08 AM Comments  0 comments



Bayaning Pinoy


Ngayong araw ay Holiday nanaman. Last week, ay dahil sa Ninoy Aquino day (na August 21 talaga), at ngayon dahil sa National Heroes Day o Araw Ng Mga Bayani.

Masaya para sa mga nagtatrabahong kagaya ko at sa mga estudyante kapag may mga “long weekend” na tulad ng ganito. Pero napansin ko lang na ito rin ang naging dahilan ng pagbaba ng awareness ng mga tao sa mga pagdiriwang kagaya ng Araw Ng Mga Bayani. Naging dahilan rin ito ng confusions para sa karamihan kung kailan nga ba ipinagdiriwang ang mga mahahalagang araw kagaya nito.

Oo nga at alam natin na Araw Ng Mga Bayani ngayon, pero tila hanggang doon na lang talaga. Nabibigyan ba natin ng sapat na respeto at pagpupugay ang mga bayaning nag-alay ng kanilang buhay para sa kalayaang tinatamasa natin ngayon?

Alam ko masaya dahil holiday, pero wag din naman sana nating kalimutan ang mga bayaning Pinoy. Nawa’y patuloy maging buhay ang kanilang mga ala-ala sa ating mga puso’t isipan.


August 24, 2008 | 7:08 AM Comments  0 comments



Live High!


Ang awiting “Live High” ni Jason Mraz ay isa sa mga unang kantang nagustuhan ko sa kanyang latest album na “We Sing, We Dance, We Steal Things”. Una kong napakinggan ang kantang ito sa EP na “We Sing”.

Live High. Live Mighty. Live Rightesously.

Yan ang sabi sa chorus ng kanta. Simple. Maikli. Pero may laman. Kaya gustong gusto ko ang kantang ito, bukod sa magandang melody ng awitin.

Mas naastigan pa ako sa kantang ito ng nakita ko sa YouTube ang isang video ni Jason Mraz na naglalakad habang kinakanta ito. I don’t think na this is the official music video of the song pero what’s great about it is si Jason Mraz mismo ang kumakanta.

This song inspires me as of the moment, kaya naman ginamit ko siya as a subtitle of my blog, pagkatapos kong mainspire sa kanta ni Mika na “My Interpretation.”


August 20, 2008 | 12:08 PM Comments  0 comments



Mahaba-habang Inuman Yata Ito


Mahaba-habang inuman yata ito!

Mahaba-habang inuman yata ito!

Ilabas na ang mga beer at mahaba-habang kwentuhan ito! Haha. Dahil na rin sa matagal-tagal kong pagka-hiatus ay naipon na ang mga kwento ko.

Actually parang di ko na nga din ata maalala ang mga ikukwento ko. Anyway, sana maalala ko lahat.
Ayun, ang dahilan ng aking matagal na pagka-hiatus ay dahil aayusin ko sana ang blog ko pero super busy talaga ako kaya inabot na ako ng higit sa isang linggo.

Kamakailan ay nagkaroon kami ng “cocktail” sa opisina. Ang purpose talaga noon ay para siyang acquaintance party kasi ang dami ng new employees sa office. Wow, malapit-lapit na akong maikonsidera bilang isang “old employee”. Hehehe… At since medyo pormal-pormalan party siya, eh kami ay naatasang magbihis ng medyo kakaiba naman from the usual. Di ko naman masyadong kinarir actually. Hehe. At (sa kasamaang palad) ay ako ang itinanghal na “Male Star Of The Night”. Hehe. Nakakatuwa na medyo nakakhiya din.

May premyo kaming tig-500 pesos ni female star of the night, na hindi man lang umabot sa wallet ko dahil sa mga kantyaw ng aking mga office mates na magpakain. Pero okay lang yun. Enjoy naman.

May kakaunti akong mga larawan na naipost sa aking multiply account.

Hmmm… Ano pa ba ang kwento? Hay, kung kailan naman heto at nakaharap na ako sa computer eh tsaka ko naman nalimutan ang mga kwento ko. Hay. Anyway, nakakalungkot na balita ang lumabas nung isang araw tungkol kay master rapper, Francis M. Who would have thought na magkaka-leukemia siya. Pero siyempre, sana gumaling siya agad.

Sa trabaho naman ay medyo busy ako recently, at feeling ko super busy din sa mga susunod na araw. Huhu… Baka hindi muna ako masyadong makapag-gym kung ganun nga ang mangyayari.

Gosh! Ano ba ito! Nalimutan ko ang mga ikukwento ko!!! Haha. Anyway, gusto ko lang namang maka-catch up sa mga kwentong di ko naipost dito. Nawa’y maalala ko ang lahat sa mga susunod na araw.

O siya siya, maginuman na lang tayo!


August 18, 2008 | 9:08 AM Comments  0 comments



Ang Pagbabalik


Hello! Namiss ko ang pagbablog kahit halos dalawang linggo lamang akong nanahimik. Well, di ko naman talaga planong magpaka-hiatus ng matagal. Aayusin ko lang naman talaga ang blog ko kaya lang kulang talaga sa oras, gustuhin ko man na maayos siya agad.

Marami na akong kwentong hindi nailagay dito sa blog ko kaya I hope maikwento ko siya sa yo sa mga succeeding blog entries ko.

Pero ang pinaka excited akong ikwento sa iyo ay akin na ang domain name na www.rowjielogy.com. Hehe. Yehey!

This is Rowjie, signing on again! Live High!


August 17, 2008 | 9:08 AM Comments  0 comments

Tags:


« previous 5


Rowjie's Profile


Latest Posts
Hitlist Week 26
The (Not So) Daily Grind
Singkil
Hitlist Week 25
Underworld Awakening

Monthly Archive
January 2008
February 2008
March 2008
April 2008
May 2008
June 2008
July 2008
August 2008
September 2008
October 2008
November 2008
December 2008
January 2009
February 2009
March 2009
April 2009
May 2009
June 2009
July 2009
August 2009
September 2009
October 2009
November 2009
December 2009
January 2010
February 2010
March 2010
April 2010
May 2010
June 2010
July 2010
August 2010
September 2010
October 2010
December 2010
May 2011
June 2011
July 2011
August 2011
September 2011
October 2011
November 2011
December 2011
January 2012
February 2012

Change Language


Tags Archive
americanidol anthology brookewhite carlysmithson chikezieeze danimals dannynoriega davidarchuleta davidcook idol jasoncastro jasonmraz kokology kristyleecook michaeljohns personal plugs ramielemalubay rowjiefullyyours rowjielogy rowjielogypresents smbacoor soundtrip specialposts syeshamercado tagalogposts television topak videos weekinreview


52661 views
Important Disclaimer